Banyuhay Akda Ni Jane
"Compassion for others begins with kindness to ourselves." Nakasanyan ko na mas inuuna ko ang iba bago ang sarili ko. Mas naiintindihan ko ang sitwasyon nila kaysa sa akin isa ito sa nakaugalian kong gawin,kaya nais ko na itong mabago. Sana ako naman muna, ang maging priority ko, at ang atensyon ko ay nakatuon na sakin, dahil hindi ko masasabing lubos ko silang naiintindihan at binibiyang halaga ko ang kanilang mga dahilan at sinabi sa kanilang mga aksyon at desisyon kung di ko kayang gawin ito para sa sarili ko. Nakaugalian kong tumulong sa kapwa sa abot ng aking makakaya at unahin sila kaya siguro, sa huli, wala na saking natitira. Masaya ako kapag may natutulungan ako, o may nagbabahagi sa akin ng kanilang buhay at mga problema dahil napapagaan ko ang kanilang iniisip at paghihirap ngunit naitatanong ko sa aking sarili, "Sino sa kanila ang maaari kang humingi ng tulong?" "Paano kung layuan ka nila? "Siguro marami din silang problema, dadagdagan mo pa ba?" O "baka hindi ka din nila maiintindihan?"
Ang taong 2023 ay taon kung paano ang lahat ay sinusubukang bumalik ang lahat sa pinaka normal na makakaya nila. Sa taon na iyon sinubukan ko rin maging normal dahil nakasanayan ko na ang pandemic era, hindi man maganda ang naidulot neto ngunit ang mga tao ay nilikha upang mag adapat sa kanila sitwasyon upag mabuhay at magbago. Sinubukan ko na rin na unahin ang ang aking sarili nung taon iyon pero hindi ko nagawa dahil nadala ko parin ang habit ko nung pandemya ang maging therapist, ang making ng makinig sa hinaing ng aking mga kaibigan at kakilala ay nag kwekwento sa akin ng kanilang problema at nararanasan sa kanilang mga bahay at kung paano nakakaapekto ang pandemya sa kanila, ngunit hindi ko magawang subukan magbahagi sa kanila dahil ang aking problema dahil baka marami na silang problema iniisip.
Taon din iyon kung kelan may iniinom akong gamot para sa aking sakit, dun ko napagtanto na kelan kaya ko masisimulan ang alagaan at unahin ang aking sarili bago ang ibang tao? Alam ko na walang ibang dapat gumawa nun para sa akin kundi ako lang din, kaya ngayong taon nais ko ng magbago at umunlad ang aking sarili. Tutulongan ko muna ang aking sarili bago naman ang ibang taon. Susubok ako ng ibang mga bagay na makakapagpasaya at magpapunlad sa aking kakayahan ng walang tinatapakang tao. Hindi ko na hahayaaan na magkaroon ng negatibong epekto sakin ang mga sinasabi ng ibang tao sa aking sarili at gagawin ko ito motibasyon upang paunlarin ang aking sarili, ipapaalala sa sarili na wag itong isasapuso dahil ang iniisip natin patungkol sa ating sarilli ang mas nakakaapekto sa lahat na panglalait na narinig mo. Laging tatandaan na hindi tayo pinanganak na perpekto at maari din tayo mag kamali mula sa pagkakamali maari tayong matuto. Kapag ako ay tutulong ibibigay ko ang aking makakaya ngunit hindi kakalimutang mag titira para sa aking sarili dahil walang ibang gagawa neto para sa akin kundi ako lang. Ang aking hiling sa taong ito ay makamit sana ng bawat isa ang kasiyahan na minimithi nila.
Sa pagwawakas ng aking banyuhay nais kung itanong sa nagbabasa kung kelan mo huling kinamusta ang sarili mo? Baka kailangan mo rin gawin ito? Kelan mo pa sisimulan ang pababago at pag unlad mula sa sarili mo?. Kaya sabay sabay natin itong gawin ngayong taon ang pagsisimula para sa ating mga sarili, sabi nga "if your compassion does not include yourself, it is incomplete" Hindi mo mauunawan at matutulongan ang ibang tao ng lubos kung sa sarili mo hindi mo mismo kayang gawin.