SPOKEN POETRY


 "Ma,Pa-ngarap"


Mula sa murang edad, ambisyong tumulong, 

Akoy namulat, sa katotohanan na mahirap makamit ang ating pangarap

Isang matinding laban ang susuongin

Ngunit para sainyo, aking gagawin

Kaya Ma, Pa ako na bahala


Nais ko kayong bigyan ng buhay na maginhawa,

Sa bawat araw, magdulot ng ligaya.

Sa habang panahon, sainyo'y mag-aalaga,

Mamahalin at aarugain panghabang buhay


Kahirapan man ay harang, hindi magiging hadlang,

Upang inyong mga labi'y mapasaya,

At sa inyong pagod, ginhawa'y idudulot.

Ako ay laging nandirito, sa inyo'y mag-aalaga.


Gagawin ang lahat ng makakaya,

Kaya sa pagkamit ng ating mga pangarap,

Inyong mga gabay, mga magulang kong mahal,

Habang ako'y humahakbang, kayo'y laging kasama.


Oras man ay nagmamadali, hindi masasayang,

Sa pagtahak sa landas tungo sa tagumpay,

Sa inyong pagod at hirap, walang kapantay,

Ito'y alay sa inyo, wagas na pagmamahal at pagsisikap.

Salamat, Aking Ma, Pa-ngarap